Nagbukas ng bago at mas malaking visa center ang French Embassy para ma-accommodate ang tumataas na bilang ng mga Pilipinong nais magtungo sa France.
Pinangunahan ni French Ambassador Thierry Mathou ang ingurasyon ng French Visa Application Center sa Makati City.
Ayon kay Mathou, halos 100 porsyento o 20,000 visa apllications ang natanggap nila sa taong ito kumpara noong 2010.
Naniniwala naman si Mathou na tataas pa ang bilang ng mga Pilipinong kukuha ng Schengen Visa para makabisita sa France.
By Judith Larino | Allan Francisco