Inaprubahan na ng gobyerno ang kahilingan ng Baguio City na payagan na ang mga turista sa lungsod.
Gayunman binigyang diin ng IATF na kailangan pa ring matiyak na masusunod ang health protocols sa tinaguriang summer capital gayundin ang point to point trips policy at maaari lamang tumigil kung mayruong emergency o kailangang kumain.
Bukod dito kailangan ding makakuha ng negative RT PCR test bago umakyat sa Baguio City.
Ayon sa Baguio authorities ang mga turistang interesadong mag bakasyon sa lungsod ay kailangan munang magpa-schedule ng kanilang pagbisita sa https.//visita.baguio.gov.ph/.
Batay pa sa entry protocols ng lungsod ang leisure travelers ay kailangang makapag-presenta ng valid government ID at anuman sa negative RT-PCR, antigen at PRC saliva test result o sumalang muna sa antigen test sa City Central Triage.