Bukas na muli sa mga turista ang Baguio City matapos isara mula Agosto dahil sa mataas na kaso ng COVID-19.
Sinabi ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong na bahagi ito ng kanilang mga hakbang upang buhayin ang ekonomiya ng lungsod.
Pinapaalalahanan ng lokal na pamahalaan ang mga turista na sundin ang health protocols laban sa COVID-19 at magparehistro sa Visita Application Website at maghintay ng schedule bago magtungo sa syudad.
Kada araw kasi ay 2,000 turista lamang ang papayagang makapasok sa lugar.
Samantala, nakahanda na rin ang mga hotel at restaurant doon dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga turista. —sa panulat ni Hya Ludivico