Inihayag ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong na hindi na muna tatanggap ng mga turista ang lungsod matapos itong isailalim sa general community quarantine (GCQ).
Ayon kay Magalong, sa ngayon ay naghihintay pa sila ng kasagutan sa Department of Tourism (DOT) hinggil sa pagpapapasok ng mga turista sa lungsod.
Dahil dito, umapela si Magalong sa publiko na kung may plano mang magtungo sa Baguio City, ay kanila muna aniya itong ipagpaliban at sa halip maghintay sa anumang updates o balita hinggil sa pagpapapasok ng mga turista sa lungsod lalo’t nakasailalim ito sa mahigpit na quarantine status.