Hindi muna tatanggap ng mga turista ang Baguio City kasunod ng pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 dulot ng Omicron variant.
Ayon sa Baguio Tourism Office, tanging mga pre-approved travel na may QR code tourist pass o QTP ang papayagang makapasok sa lungsod.
Gayunman, nilinaw naman ng Baguio City na maaari pa ring makapasok ang mga Authorized Person Outside of Residence (APOR) at official trips basta’t naka-register sa Baguio website.
Hanggang nitong Disyembre 26, 2021 ay mahigit 190,000 turista ang nakabisita sa tinaguriang ‘’City of Pines’’.