Isinailalim na sa red alert ang lahat ng ahensiya sa Baguio City bilang paghahanda sa epekto ng Typhoon Henry.
Epektibo ang kautusan kahapon, September 2 at magtatagal hanggang sa Lunes, September 5.
Ang mga Sangay ng Pamahalaan sa Baguio City ang magsisilbing Quick-Response Team sa oras na kailangan nang magpatupad ng Pre-emptive evacuations.
Handa rin ang mga member agencies ng City Disaster Risk Reduction Management Council at LGUs na magmomonitor ng mga lugar na prone sa pagguho ng lupa at pagbaha.