Kabilang ang Baguio City sa 64 na syudad sa mundo na tinawag ng UNESCO o United Nations Educational Scientific and Cultural Organization na creative cities network.
Binuo ang creative cities network para itaguyod ang kooperasyon sa mga syudad sa mundo na gumagamit ng pagiging malikhain o creativity para magkaroon ng sustainable urban development.
Tampok sa naturang network ang iba’t ibang larangan tulad ng crafts and folk arts, media arts, film, design, gastronomy, literature at music.
Kinilala sa kategorya ng crafts and folk arts ang Baguio City dahil sa mayamang kultura nito sa paghahabi, wood carvings at metalcraft.
Patunay dito ay ang mga kilalang artists tulad ni Bedicto “Bencab” Cabrera na national artist for visual arts at si Eric Kidlat Tahimik de Guia at iba pa.
Kasama ng Baguio City sa naturang kategorya ay ang Tubis, Tunisia, Madaba, Jordan at Carra, Italy.
—-