Inihayag ng Baguio City na mas marami pang turista ang kanilang papapasukin sa kanilang lugar sa pagsapit ng Pasko.
Ayon kay Baguio City Information Officer Aileen Refuerzo, patuloy na i-mo-monitor ng lungsod ang sitwasyon sa lugar at kung maging maayos ito ay may posibilidad na dagdagan nila ang mga pumapasok na turista rito.
Sa ngayon, nasa 4,000 lamang ang pinapayagang pumasok sa Baguio City na turista araw-araw .
Samantala, sa mga nais pumasyal sa Baguio ay kinakailangan lamang magparehisto at magtungo sa visita.baguio.gov.ph at magpresenta ng QR code at vaccination card.