Maghihigpit na sa mga papasok na turista ang Baguio City dahil parin sa kaso ng COVID-19 sa bansa.
Dahil dito, may posibilidad na muling humina ang turismo sa nasabing lugar dahil sa pagbaba ng bilang ng mga turistang papayagang makapasok kung saan, irerequire narin sa labing pitong taong gulang pababa ang negative RT-PCR test.
Layunin nitong makontrol ang mobility upang maibaba muli ang kaso ng COVID-19 sa lugar.
Hinihikayat naman ng Baguio City Government ang publiko na magpabakuna upang mas mapabilis at mapataas ang bilang ng mga fully vaccinated sa bansa. —sa panulat ni Angelica Doctolero