Tiyak na ang pagdalo ni Baguio City Mayor at dating PNP CIDG Chief Benjamin Magalong sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senado hinggil sa kontrobersiya sa Good Conduct Time Allowance (GCTA) sa Huwebes, Setyembre 19.
Ayon kay Magalong, nagka-usap na sila ni Senate Blue Ribbon Committee Chairman Richard Gordon at ipinaliwanag na sa kanya ng Senador kung bakit kinakailangan niyang humarap sa senate hearing.
Naniniwala naman si Magalong na tama ang direksyon na tinatahak ng isinasagawang imbestigasyon ng Senate Blue Ribon Committee para matugunan at matigil na ang katiwalian sa Bureau of Corrections.
Nung nagtataka din ako bakit ako isinasama dahil wala naman akong kinalaman dun sa GCTA pero nung in-explain naman sakin ni Senator Gordon yung purpose niya. Na-realize ko na tama yung ginagawa niyang approach talagang holistic yun, gusto niya talagang i-solve na kung ano talagang problema dyan sa BuCor. Napakaraming hearing na ang nangyari dyan, napakarami ng paglilitis na ginawa dyan sa BuCor pero bakit ganun pa din, paulit-ulit pa din yung korapsyon dyan, sa tingin ko he wants to look at it in a bigger picture from a higher perspective,” ani Magalong.
(Todong Nationwide Talakayan interview)