Idinetalye ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang mga ginawa nilang hakbang laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sa nakalipas na 10 araw, walang naitalang bagong kaso ng COVID-19 sa Baguio City.
Ayon kay Magalong, maaga silang nagpatupad ng preventive measures at naging epektibo ang ginawa nilang contact tracing, naging transparent sila at higit sa lahat mayroon silang cooperative na mamamayan.
Sinabi ni Magalong na isinailalim pa nila sa training ang kanilang mga doktor at nurses para magamit sa contact tracing dahil isa anya itong investigative skill.
Personal rin anya siyang nakikipag-usap sa mga pasyente upang ipaliwanag na malaking bagay kung papayag silang maisapubliko ang kanilang pagkaka kilanlan bilang bahagi ng transparency.
Ipinagmalaki ni Magalong na posibleng ang kanilang mga doktor at nurses ang pinak-competent ngayon sa bansa dahil isa lamang ang nasawi sa kanila sa COVID-19 mula sa labing apat lamang na kaso ng COVID-19.