Nagpasaklolo na ang Baguio City sa national government para maresolba ang problema sa kalikasan partikular sa sewerage system.
Ayon kay Baguio City Mayor Benjamin Magalong, sa Enero ay nakatakdang magtungo sa syudad ag Department of Environment and Natural Resources (DENR), Department of Tourism (DOT) at Department of the Interior and Local Government (DILG) upang mag-inspeksiyon at magbigay ng rekomendasyon.
Sa ngayon aniya ay nag-iisa lamang ang kanilang sewerage treatment plant kaya marami pa rin sa ginamit na tubig ay natatapos nang hindi nalilinis.
So, ang tinitignan namin dito, head water, so, nacocontaminate namin, ‘yung mga downstream,” ani Magalong. — sa panayam ng Balitang Todong Lakas