Nananatiling sarado sa mga turista ang Baguio City kung saan mahigpit pa ring ipinagbabawal ang anumang uri ng leisure activities dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Binigyang diin ito ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong matapos balaan ang mga tour agency sa lungsod hinggil sa pagtanggap ng reservations sa kabila nang umiiral pa ring quarantine restrictions.
Tiniyak ni Magalong ang parusa sa mahuhuling lumabag sa local government restrictions.
Ang baguio city ay mayruong 50kaso ng COVID-19 kung saan pinakabagong naitala ang isang 58 anyos na lalaki mula sa barangay bakakeng norte at 22 anyos na babae mula sa loakan liwanag.