Patuloy pa ring tatanggap ng mga turista ang Baguio City kahit isasarado ang ilang bahagi nito para sa gagawing rehabilitasyon.
Kasunod ito ng naging pagpupulong ng DENR, DOT, DILG at lokal na pamahalaan ng Baguio City sa kung paano gagawin ang pagsasaayos ng summer capital ng bansa.
Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo–Puyat, 480 million ang inilaang rehabilitasyon para sa makasaysayan at sikat na Burnham Park.
Nakatakdang isarado ang ilang bahagi ng parke para bigyang daan ang pagsasaayos ng sewerage system nito.
Isasaayos din ang Wrigh Park, Mines View Park at iba pa.