Pinayagan na ng pamahalaang lokal ng Baguio City ang pagbubukas ng iba pang mga negosyo sa lungsod ngayong araw, Mayo 25.
Sa pahayag ng panunuan ng Baguio City, sinabi nito na ang kanilang utos na balik operasyon ng iba pang mga negosyo sa lungsod ay kasunod na rin ng pagsasailalim nito sa general community quarantine.
Ilan sa mga pinayagan nang magbalik operasyon ay ang mga sumusunod:
- Flower Shops,
- Loading Stations,
- Pasalubong Shops,
- At, ilan pang mga essential businesses.
Kasunod nito, sinabi rin ng pamunuan ng lungsod, dapat ay magpatupad ito ng salitang pagbubukas ng kanilang mga stalls para patuloy na mapanatili ang kaligtasan sa gitna ng banta ng pagkalat ng virus.
Samantala, nagpaalala rin ang lungsod ng baguio na dapat patuloy na ipatupad and sundin ang mga umiiral na health protocols, tulad ng social distancing, pagsusuot ng facemasks at iba pang nga pag-iingat kontra rito.