Susunod nang isasailalim sa rehabilitasyon ng pamahalaan ang Baguio City matapos ang matagumpay na pagsasaayos sa Boracay gayundin sa Palawan.
Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, magsasagawa na sila ng mas detalyadong pagpupulong kasama ang Baguio City Local Government at DENR hinggil sa rehabilitasyon ng lungsod sa darating na Enero.
Sinabi ni Puyat, una nang ipinag-utos ni Baguio City Benjamin Magalong ang pagbabawal sa pagputol ng mga puno partikular ng mga pine trees bilang bahagi ng planong pagsasaayos ng sa Baguio City.
Ipinag-utos na rin aniya ni Magalong ang pagpapatigil sa lahat ng mga bagong itatayong mga establisyimento, bahay o anumang gusali.
Dagdag ni Puyat, pinaplano na rin ng lokal na pamahalaan na i-relocate o ilipat ang ilang mga kabahayan at establisyementong nakatayo sa palusong na bahagi ng lungsod.