Hindi pipigilan ng Baguio City government ang anumang effort ng mga residente ng lungsod na magtayo ng sariling bersyon ng community pantry.
Tiniyak ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang 100% suporta sa mga community pantry na pagpapakita ng bayanihan spirit ng mga Pilipino o tinatawag nilang “Binaddang” na bahagi ng lokal na kultura ng mga taga-Cordillera.
Sinabi pa ni Magalong na hindi kailangan ang anumang permit sa mga itatayong community pantry sa lungsod.