Nagkasa ng libreng online psychosocial support service ang Baguio City para sa mga nakakaranas ng anxiety at depression dahil sa pa rin coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Sinabi ni Christine Gina Camsol, Executive Manager ng Philippine Mental Health Association – Baguio benguet chapter na magsasagawa ng psychosocial debriefing at counseling ang kanilang mental health professionals sa pamamagitan ng chat o phone call.
Kasama aniya sa kanilang clients ang frontliners at mga indibidwal na nangangailangan ng professional help.
Hinimok din ni camsol ang publiko na sumunod sa mental hygiene practices kasabay nang nararanasang epekto ng COVID-19 crisis.
Una nang inihayag ni Baguio City Councilor Levyllolyd Orcales ang pagka alarma nila sa estado ng mental health matapos makatanggap ng report na maraming estudyante ang nnais nang umuwi sa kanilang mga probinsya dahil sa pag iisa sa mga boarding house nang maabutan ng lockdown sa lungsod.
Pinakahuli rito ang bigong suicide attempt ng isang 20 anyos na dalaga na napigilan ng mga kaanak nito at barangay officials.