Masusing minomonitor ng Baguio City health officials ang mga residente ng lunsod na nagkaroon ng direct contact sa dalawang nagpositibo na UK COVID-19 variant.
Ayon kay Baguio City Mayor Benjamin Magalong, ilan sa kanyang mga constituents ang nakasalamuha ng apo ng unang pasyente ng UK variant na binawian ng buhay.
Nahawaan naman ng COVID-19 ang nasabing apo na ito pero hindi pa matiyak kung UK variant ang tumama sa pasyente.
Samantala, ilan din sa mga locals ng baguio city na kasamahan sa trabaho ng ikalawang kaso ng UK variant ang nagpositibo sa COVID-19.
Sa ngayon isinasailalim na sa genome sequenced ang mga samples na nakuha sa mga naturang closed contacts.
Inihayag naman ng Department of Health, na as of February 12, aabot na sa 44 UK variant cases ang naitala sa buong bansa.