Isinasa pinal na ang gagawing rehabilitasyon sa summer capital ng bansa ang Baguio City.
Ayon kay Environment Undersecretary Benny Antiporda, hinihintay na lamang ang pag uusap ng mga kalihim ng Department of Tourism, Department of Interior and Local Government at Department of Environment and Natural Resources para sa ilalatag na rehabilitasyon.
Una nang inayos ang Boracay Island habang balak namang isunod ng pamahalaan ang iba pang tourist destination sa bansa tulad ng Baguio City, Bohol at Palawan.