Mayroong namataang sama ng panahon sa Dagat Pasipiko.
Nasa layo itong 2,370 kilometro silangan ng Baler, Aurora.
Posible itong pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) bukas o di naman kaya ay sa Biyernes at tatawaging bagyong Jenny.
Ayon sa PAGASA hindi ito magtatagal sa bansa at lilihis patungong Japan ngunit hahatakin nito ang habagat na magpapaulan sa ibang bahagi ng bansa.
Samantala, malaki ang chance na umulan sa Metro Manila mamayang hapon o gabi dahil sa thunderstorms.
Mas makulimlim at maulap naman na panahon ang mararanasan sa Laguna at Mindoro.
Ang Visayas at Mindanao naman ay patuloy na maaapektuhan ng Intertropical Convergence Zone.
Pinakamaulan sa kanlurang bahagi ng Visayas lalo na sa Iloilo at Negros Occidental.
Magiging makulimlim naman ang malaking bahagi ng Mindanao ngunit malakas na pag-ulan ang mararanasan sa Dinagat at South Cotabato.
By Mariboy Ysibido