Inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) mamayang hapon ang bagyo na may international name na Goni at tatawagin itong bagyong Ineng.
Maaaring maging isang super typhoon ang bagyo na huling namataan sa layong 1,945 kilometro sa silangan ng Luzon.
Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 170 kilometro bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 205 kilometro kada oras.
Kumikilos itong pa-kanluran hilagang kanluran sa bilis na 20 kilometro kada oras.
Posible namang itaas ang signal number 4 kung tumama ito sa Batanes sa Biyernes at inaasahan ding hahatakin nito ang habagat na magpapa-ulan sa Metro Manila.
By Mariboy Ysibido