Inaasahang papasok na sa PAR o Philippine Area of Responsibility ang bagyong may international name na Talim ngayong araw.
Ayon sa PAGASA o Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration oras na pumasok na ito sa PAR ay papangalanan itong Lannie.
Namataan ang nasabing bagyo 1,745 kilometro silangan ng Luzon.
Taglay nito ang hanging aabot sa 80 kilometro kada oras at pagbugsong aabot sa 95 kilometro kada oras.
Kumikilos ito sa direksyong kanluran hilagang kanluran sa bilis na 20 kilometro kada oras.
Samantala, patuloy ding binabantayan ng PAGASA ang namataang LPA o Low Pressure Area, 505 kilometro ng hilangang kanluran ng Borongan City eastern Samar.
Dahil dito asahan na ang mahina hanggang sa katamtamang lakas ng ulan na may kasamang pagkulog at pagkidlat sa bahagi ng Visayas, Bicol Region, Hilagang Mindanao, Caraga at Palawan.
—-