Isang bagyo ang nakaambang pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Miyerkules.
Muling namataan ang bagyo na may international name na Soudelor sa layong 1,500 kilometro sa labas ng PAR.
Hindi naman inaasahang magla-land fall ang bagyo sa bansa ngunit mapapalakas nito ang habagat na magdadala ng mga pag-ulan sa ating bansa.
Bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may pulu-pulong pagkidlat-pagkulog ang iiral sa Metro Manila at sa nalalabing bahagi ng bansa.
Samantala apektado pa rin ng Inter Tropical Convergence Zone (ITCZ) ang Palawan at Mindanao.
Dahil dito posibleng makaranas ng pag-ulan ang Mindoro at Palawan.
Sa Metro Manila maaaring makaranas ng thunderstorm sa hapon at gabi.
By Mariboy Ysibido