Sampu hanggang 15 bagyo ang inaasahang papasok sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) mula July hanggang December 2022.
Sa 149th National Climate Forum na ginanap kahapon, sinabi ni Ana Solis, Climate Monitoring Chief ng PAGASA, dalawa hanggang tatlong bagyo ang inaasahang papasok sa PAR sa buwan ng Hulyo, Agosto, Setyembre at Nobyembre.
Dalawa hanggang apat na bagyo naman ang inaasahan sa Oktubre at isa o dalawa naman sa buwan ng Disyembre.
Sakaling makapasok ang bagyo sa PAR, papangalanan ito ng: Domeng, Ester, Florita, Gardo, Henry, Inday, Josie, Karding, Luis, Maymay, Neneng, Obet, Paeng, Queenie, at Rosal.