Inaasahan na ng PAGASA ang posibilidad na may mabuo na isang bagyo sa loob ng Philippine Area of Responsibility sa susunod na linggo.
Ito’y batay sa typhoon cyclone threat potential forecast ng weather bureau kung saan maaaring maapektuhan ng sama ng panahon ang Visayas at Southern Luzon.
Gayunman, walang namo-monitor sa ngayon na sama ng panahon ang pagasa sa loob ng monitoring domain nito subalit maaaring mabuo ito sa ikalawang linggo ng December.
Sa oras na makapasok at magkaroon ng panibagong bagyo sa loob ng PAR ay tatawagin itong querubin at magiging pang-17 bagyo na makakaapekto sa bansa ngayong taon.