Bahagya pang lumakas ang bagyong may international name na Wutip habang nasa labas ng Philippine Area of Responsibility o PAR.
Huling namataan ng PAGASA ang bagyo sa layong isanlibo walundaan tatlumpung (1,830) kilometro, silangan ng Southern Luzon.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 189 kilometro kada oras at pagbugso na hanggang 235 kilometro kada oras at mabagal na kumikilos pa-hilaga hilagang-kanluran.
Sa posibleng pumasok ng PAR ang naturang sama ng panahon bukas o sa Huwebes na papangalanan namang Betty.
Samantala, nakaaapekto pa rin sa bansa ang northeast monsoon o “amihan” partikular sa mga lalawigan ng Aurora at Quezon maging sa Bicol Region.
—-