Lumakas pa ang bagyong may international name na Surigae habang papalapit sa Pilipinas.
Ayon sa PAGASA, ang sentro ng Bagyong Surigae ay pinakahuling namataan sa layong mahigit 1,000 kilometro sa silangan ng Mindanao.
Sinabi ng PAGASA na inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility ang Bagyong Surigae bukas o sa Biyernes at papangalanan itong ‘Bising’.
Inihayag pa ng PAGASA na mababa ang tyansang tumama sa kalupaan ang bagyo at posibleng lumapit sa Eastern Visayas at Bicol Region bago lumiko o mag-recurve pabalik sa Dagat Pasipiko.
Gayunman , patuloy ang babala ng PAGASA sa mga taga-Mindanao na maghanda pa rin.