Lumakas pa ang Bagyong Agaton na nasa baybayin na ng Guiuan sa Eastern Samar.
Sa pinakahuling update ng Pagasa ngayong alas-5 ng madaling araw, taglay na ng bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometers per hour (km/h) malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 80 km/h.
Dahil sa bagyo, nakataas na ang signal number 2;
Visayas | Mindanao |
· Southern portion ng Eastern Samar na kinabibilangan ng; Guiuan, Mercedes, Salcedo, Quinapondan, Giporlos, Balangiga, Lawaan, General Macarthur, Hernani, llorente· Extreme southern portion ng Samar kinabibilangan ng Marabut | · Northern portion ng Dinagat Islands na kinabibilangan ng Loreto at Tubajon |
Habang signal number 1 sa;
Visayas | Mindanao |
· Nalalabing bahagi ng Eastern Samar· Nalalabing bahagi ng Samar
· Northern Samar · Biliran · Leyte · Southern Leyte · At Camotes islands |
· Surigao del Norte· At nalalabing bahagi ng Dinagat Islands |
Asahan na ang malalakas na ulan sa nasabing mga lugar.
Dahil sa kakaibang kilos ng bagyo, sinabi ng pagasa na posible itong maglandfall sa baybayin ng eastern samar.
Inaasahang lalakas pa bilang tropical storm ang bagyong agaton sa susunod na labing-dalawa hanggang dalawampu’t apat na oras. —- sa panulat ni Abby Malanday