Tuluyan nang naging Low Pressure Area (LPA) si bagyong Agaton na huling namataan alas-10 kagabi sa coastal waters ng Guiuan, Eastern Samar.
Ayon kay PAGASA Weather Specialist Aldczar Aurelio, kahit na naging LPA ang dating bagyo na si Agaton, asahan parin na makakaranas ng mga pag-ulan sa malaking bahagi ng Bicol region, Visayas, at Mindanao.
Samantala, ang dating bagyo din na si basyang na may International name na “Malakas,” ay kasalukuyang tinatahak ang silangan ng Central Luzon na may lakas ng hanging aabot sa 1,490 kilometers per hour at patuloy na kumikilos pa hilagang kanluran.
Ayon kay Aurelio, hindi na umano papasok ng Philippine Area of Responsibility (PAR) si bagyong Basyang na ngayon ay patungo na sa bansang Japan.
Asahan naman na ang Low Pressure Area na dating si Agaton ay posibleng sumama sa dating bagyo na si Basyang kaya’t asahan ang malalakas na pag-ulan sa Visayas.
Makakaranas din ng maalon na karagatan ang ilang bahagi ng Luzon, Visayas at Mindanao kayat pinapayuhan ang mga kababayang mangingisda maging ang may mga maliliit na sasakayang pandagat na huwag na munang pumalaot dahil parin sa nararanasang sama ng panahon. —sa panulat ni Angelica Doctolero