Mas lumakas pa ang bagyong Agaton habang patuloy itong gumagalaw patungo sa lupain sa Eastern Samar.
Ayon sa Pagasa, kumikilos pakanluran hilagang-kanluran sa bilis na 10 kilometro kada oras ang bagyo na malapit nang mag-landfall sa timog-silangang bahagi ng lalawigan.
Huling namataan si Agaton sa baybayin ng Guiuan, Eastern Samar, na may lakas na hanging aabot sa 75 kilometro bawat oras at pagbugsong 105 kilometro bawat oras.
Habang nakataas naman ang yellow raining warning level sa Southern Cebu, orange raining warning level Eastern Samar, Biliran at Bohol habang itinaas red warning level ang Central Cebu, Northern Cebu, Leyte at Southern Leyte kung saan asahan ang matinding pagbaha sa mga mababang lugar at landslide sa mga bulubunduking lugar