Patuloy na lumalakas ang bagyong Agaton habang kumikilos pakanlurang bahagi ng Lawaan, Eastern Samar.
Ang bagyong Agaton ay may lakas ng hanging aabot sa 75 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 105 kilometro kada oras at posible pa itong umabot hanggang 220 kilometro mula sa gitna.
Dahil dito, apektado ng Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) no. 2 ang ilang lugar sa Visayas kabilang na ang gitna at timog na bahagi ng silangang Samar; gitna at timog na bahagi ng Samar; Biliran; at hilaga at gitnang bahagi ng Leyte.
Apektado din ang Loreto at Tubajon sa Dinagat Island, bahagi ng Mindanao.
Itinaas naman ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) no. 1 sa katimugang bahagi ng Masbate; nalalabing bahagi ng Eastern Samar; Samar; Northern Samar; nalalabing bahagi ng Leyte; Southern Leyte; hilagang-silangang bahagi ng Cebu; Camotes Island; silangangang bahagi ng Bohol; Surigao del Norte at nalalabing bahagi ng Dinagat Islands.
Sa ngayon, patuloy paring minomonitor ng PAGASA ang sitwasyon ng bagyong Agaton. —sa panulat ni Angelica Doctolero