Nasa isanlibo isandaang (1,100) pamilya o halos apatnalibo pitundaang (4,700) katao na ang naapektuhan ng bagyong Amang.
Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC, pawang residente ng Caraga Region ang mga apektadong pamilya.
Halos pitundaang (700) pamilya o mahigit dalawang libo pitundaang (2,700) katao naman ang nananatili sa dalawampu’t tatlong (23) evacuation centers.
Samantala, kabuuang tatlong libo apatnapu’t pitong (3,047) pasahero at mahigit apatnaraang (400) sasakyang pandagat ang stranded sa Central, Eastern at Southern Visayas maging sa Northern Mindanao.
Humina na ang bagyong Amang at naging low pressure area (LPA) na lamang.
Dahil dito, inalis na ang lahat ng public storm signal na nakataas sa ilang lugar bagamat may mga lugar pang makakaranas ng matinding buhos ng ulan.
—-