Patuloy na humihina ang bagyong Ambo habang tinutumbok na nito ang lalawigan ng Benguet.
Batay sa pinakahuling datos mula sa PAGASA, namataan ang sentro ng bagyo sa paligid ng bayan ng Tuba.
Taglay na lamang nito ang lakas ng hanging aabot sa 75 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugsong aabot sa 125 kilometro bawat oras.
Patuloy na kumikilos ang bagyong Ambo pahilagang kanluran sa bilis na 15 kilometro bawat oras.
Nakataas ang babala ng bagyo bilang dalawa sa mga isla ng Babuyan, hilagang kanlurang bahagi ng Cagayan, Nueva Vizcaya, kanlurang bahagi ng Quirino, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Apayao, Kalinga, Mountain Province, Ifugao, Benguet, gitnang bahagi ng Aurora, Nueva Ecija at Tarlac.
Nakataas naman ang babala ng bagyo bilang isa sa mga lalawigan ng Batanes, nalalabing bahagi ng Cagayan, nalalabing bahagi ng Quirino, Zambales, Bataan, Pampanga, Bulacan at nalalabing bahagi ng Aurora.
Patuloy na binabalaan ng PAGASA ang mga residente sa nabanggit na mga lugar na patuloy na mag-ingat sa posibleng mga pagbaha at pagguho ng lupa.