Humina na ang bagyong Ambo at naging Low Pressure Area (LPA) na lamang ito.
Kasunod ito nang pag-landfall sa Dinalungan, Aurora.
Ang sentro ng LPA ay pinakahuling namataan sa vicinity ng Quirino Province.
Inalis na rin ang public storm signal number 1 sa anim na lalawigan.
Gayunman, inaasahang magpapaulan pa rin ang LPA sa Northern at Central Luzon at maging sa mga lalawigan ng Rizal at Quezon kayat ibinabala ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astyronomical Services Administration (PAGASA) ang flashfloods at landslides.
Cancelled classes
Kanselado ang klase sa mga paaralan sa ilang lugar sa Luzon bunsod ng mga pag-ulang dala ng bagyong Ambo na ngayo’y isa na lamang Low Pressure Area.
Unang nagdeklara ng kanselasyon ng klase ang bayan ng Baler sa Aurora para sa pre-school hanggang high school sa pribado at pampublikong paarala.
Pre-school hanggang elementary naman suspendido ang klase sa bayan ng Infanta sa lalawigan ng Quezon.
Pre-school lamang ang walang pasok sa lalawigan ng Catanduanes habang pre-school hanggang kindergarten kanselado ang klase sa Naga City sa Camarines Sur.
By Judith Larino | Jaymark Dagala