Unti-unti nang nagpaparamdam sa Eastern Visayas ang bagyong Ambo.
Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), huling namataan ang mata ng bagyo sa layong 140 kilometro silangan timog silangan ng Catarman, Northern Samar.
Kabilang sa mga naapektuhan ay ang Eastern Samar, Leyte, Northern Samar, Southern Leyte, Samar at Biliran.
Dahil dito, pinapayuhan ang mga nakatira malapit sa mga ilog sa mga nasabing lugar at maging sa mga low-lying areas na mag-ingat o iwasan ang pagtawid o pamamalagi sa tabi ng ilog dahil ito ay mapanganib.
Samantala, pinapayuhan din ang mga local disaster risk reduction and management councils sa mga apektadong lugar na maging alerto sa posibleng biglaang pagbaha at pagguho ng lupa.