Binabantayan din ng PAGASA ang isa pang bagyo na nasa karagatang Pasipiko at inaasahang papasok din sa Philippine Area of Responsibility (PAR) sa Linggo ng gabi o Lunes ng umaga at tatawagin itong bagyong Siony.
Batay sa datos ng PAGASA, huling namataan ang bagyong may international name na Atsani sa layong 1,665 kilometro silangan ng Visayas.
Bahagyang humina ang taglay na hangin ang bagyong Atsani na nasa 55 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugsong aabot naman sa 70 kilometro bawat oras.
Kumikilos ang bagyong Atsani pa-kanluran, hilagang kanluran sa bilis na 25 kilometro bawat oras subalit hindi pa matukoy ng weather bureau kung tatama ito sa kalupaan pagpasok nito sa PAR.