Bahagyang humina ang bagyong Auring at posibleng maging isang tropical depression na lamang bago ito tuluyang magland-fall sa Caraga region ayon sa weather bulleting ng PAGASA nitong ala-5 ng hapon ng Sabado.
Tinatayang may dalang hanging may lakas na 65kph ang bagyong Auring na may pagbugso na 80 kph at huling natagpuan 440 kilometro Silangang Timog-Silangan ng Hinatuan, Surigao Del Sur nitong 4pm at kumikilos 15kph Hilagang-Kanluran.
Dagdag ng PAGASA, inaasahang patuloy na hihina si Auring hanggang Lunes habang tinatahak nito ang kalupaan ng bansa.—sa panulat ni Agustina Nolasco