Humina na ang bagyong Auring at isa na lamang itong Low Pressure Area (LPA).
Huling namataan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang Low Pressure Area, 40 kilometro sa silangan ng Mactan, Cebu.
Bagamat isa nalamang LPA, maari pa rin itong magdulot ng katamtaman hanggang sa kung minsan ay malakas na buhos ng ulan sa rehiyon ng Bicol at sa mga probinsya ng Samar.
Mahina hanggang sa katamtamang lakas ng ulan na may kasamang pagkulog at pagkidlat naman ang maaaring maranasan sa Calabarzon, sa mga probinsya ng Mindoro, Marinduque at Romblon.
Sa kabila ng paghina ng bagyo, pinapayuhan pa rin ng PAGASA ang mga mangingisda, lalo na ang mga gumagamit ng maliliit na sasakyang pandagat na huwag munang pumalaot dahil napaka-alon pa rin sa karagatang sakop ng Bicol at Visayas.
Cancelled flights
Samantala, kanselado ang anim na flights dahil sa masamang panahon dulot ng bagyong Auring.
Base sa abiso ng Manila International Airport Authority o MIAA, kabilang sa kinansela ang biyahe ng Philippine Airlines na PR 2071 at 2072 Manila – Calbayog – Manila.
Kinansela rin ng Cebu Pacific ang kanilang 5J 373 at 374 Manila – Roxas – Manila.
Habang ang Air Asia Zest ay kinansela na rin ang flights Z2 350 at 351 Manila – Tagbilaran – Manila.
Pinayuhan ng MIAA ang mga apektadong pasahero na makipag-ugnayan sa mga airline company para sa refund o rebooking ng kanilang flight.
By Katrina Valle | Meann Tanbio