Lumakas pa ang Tropical Depression Auring at isa na ngayong tropical storm.
Ayon sa 11AM bulletin ng PAGASA, lumakas pa ang Bagyong Auring habang mabagal na kumikilos sa pa-hilagang-kanluran sa bahagi ng Philippine Sea.
Bagaman hindi pa ito inaasahang magdadala ng mabibigat na pag-ulan ay magkakaroon naman ng mas mataas na tiyansa ng malakas na buhos ng ulan sa mga sumusunod na lugar sa darating na Lunes:
- Visayas,
- Caraga,
- Northern Mindanao,
- Bicol Region,
- CALABARZON,
- Davao Oriental,
- Davao de Oro,
- Davao del Norte,
- Lanao del Sur,
- Mindoro Provinces,
- Marinduque,
- Romblon,
- Northern Palawan, kabilang ang Calamian at Cuyo Islands.
Huli namang namataan kaninang alas-10 ng umaga ang sentro ng Bagyong Auring sa layong 685 kilometro timog-silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.
Samantala, nagpaalala naman ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) sa publiko na paghandaan ang posibleng malakas hanggang matinding buhos ng ulang dala ng Bagyong Auring.