Nagdulot ng matinding pagbaha at pagkawala ng supply ng kuryente sa Surigao Del Sur ang Bagyong Auring.
Mismong si Surigao Del Sur Governor Alecander Ayec Pimentel ang nagpakita sa social media ng matinding pagbahang inabot ng Tandag City.
Ayon naman kay Abel De Guzman, pinuno ng PDRRMC ng Surigao Del Sur bagamat hindi nag landfall ang bagyong auring sa kanilang lalawigan matinding pagtaas ng tubig ang dinanas nila kung saan 8,000 pamilya ang kanilang inilikas.
Ipinabatid pa ni De Guzman na nasa 126 barangays mula sa labing pitong munisipalidad ang naapektuhan ng mga pag ulang dala bagyong auring.
Karamihan aniya sa mga evacuees ay nasa evacuation centers at mga bahay na hindi naman apektado nang pagbaha.
Nawalan din ng supply ng kuryente ang maraming lugar sa Surigao Del Sur habang tuluy tuloy naman ang pag-rescue sa mga residente sa munisipalidad ng Lanuza.
Inabisuhan na ng local government ang publiko na kaagad makipag-ugnayan sa kanila para sa rescue operations at iba pang emergency situations.
https://twitter.com/dwiz882/status/1363336586910339076