Napanatili ng bagyong Auring ang lakas nito habang tinutumbok ang Bohol.
Huling namataan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang bagyo sa layong 100 kilomentro silangan hilagang-silangan ng Tagbilaran City, Bohol.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometro kada oras at pagbugso na 75 kilometro kada oras.
Kumikilos ito sa direksyong kanluran hilagang-kanluran sa bilis na siyam na kilometro kada oras.
Nakataas pa rin ang signal number 1 sa Cuyo Island, Palawan; Bohol, Siquijor, Negros Provinces, southern Leyte, Cebu kabilang ang Camotes Island, Guimaras, Capiz, Iloilo at southern part ng Antique; Agusan del Norte, Surigao del Norte kabilang ang Siargao island, Dinagat Province, Misamis Oriental at Camiguin.
By Drew Nacino