Lumabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Bising kaninang madaling araw.
Sa inilabas na report ng PAGASA, sinabi nito na dakong alas-5:40 ng madaling araw kanina lumabas ang bagyo.
Sa kabila nito, ayon sa PAGASA, ang Metro Manila at iba pang lugar sa bansa ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang maulap na papawirin ng may panaka-nakang pag-uulan dahil sa localized thunderstorm.