Nananatiling mabagal ang galaw ng bagyong Bising habang nasa bahagi ng Mindanao.
Kumikilos ito sa bilis na 11 kilometro kada oras sa direksyon Hilaga, Hilagang-Kanluran.
Huling namataan ang bagyo sa layong 410 kilometro, Silangan ng Hinatuan, Surigao Del Sur.
Taglay ng naturang sama ng panahon ang hanging aabot sa 45 kilometro kada oras at pagbugso na 55 kilometro kada oras.
Samantala, patuloy na naka-aapekto sa Luzon ang hanging amihan o Northeast Monsoon.
By Drew Nacino