Bahagyang bumagal ang bagyong Butchoy at napanatili nito ang kanyang lakas habang papalapit sa Taiwan.
Ang sentro ng bagyong Butchoy ay pinakahuling namataan sa layong 235 kilometro silangan hilagang silangan ng Itbyat, Batanes.
Taglay ng bagyong Butchoy ang pinakamalakas na hanging umaabot sa 220 kilometro kada oras malapit sa gitna at may pagbugso na umaabot sa 255 kilometro kada oras.
Ang bagyong Butchoy ay tinatayang kikilos pa-kanluran hilagang kanluran sa bilis na 20 kilometro kada oras.
Bukas ng umaga, ang bagyong Butchoy ay inaasahang nasa 305 kilometro hilaga hilagang kanluran ng Itbayat, Batanes.
Ang public storm signal number 2 ay nakataas sa Batanes Group of Islands at nasa public storm signal number 1 naman ang Calayan at Babuyan Group of Islands.
4 flights cancelled
Kanselado ang apat na flight mula Maynila patungong Basco Batanes.
Ito ay dahil sa masamang panahong dulot ng bagyong Butchoy.
Kabilang sa mga apektadong flight ay dalawang biyahe ng Philippine Airlines Maynila patungong Basco at pabalik.
Samantala, kanselado din ang flights pa-Basco ng Skyjet.
Pinapayuhan naman ang mga apektadong pasahero na makipag-ugnayan sa kanilang airline.
By Judith Larino | Ralph Obina | Raoul Esperas (Patrol 45)