Lalo pang lumakas ang bagyong may international name na Nepartak at tatawaging Butchoy kapag pumasok sa Philippine Area of Responsibility
Ayon sa PAGASA pumapalo na ngayon sa 75 kilometro kada oras ang taglay na lakas ng nasabing sama ng panahon
Ang nasabing bagyo ay kumikilos pa hilagang kanluran sa bilis na 30 kilometro kada oras
Ang sentro ng bagyo ay pinakahuling namataan sa layong 1,855 kilometro silangan ng Visayas
Bukas ng umaga ang sentro ng bagyo ay tinatayang nasa layong 1,655 kilometro silangan ng Infanta, Quezon
Samantala tuluyan nang nalusaw ang isang Low Pressure Area na namataan sa silangan ng Sorsogon City bagamat magdadala pa rin ito ng mga pag ulan sa posibleng mag resulta nang pagbaha at pagguho ng lupa
By: Judith Larino