Lalo pang lumakas ang bagyong Butchoy subalit nakalabas na ito ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Gayunman ayon sa Pagasa, posible pa ring makaranas ng mga pag-ulan ang hilaga at gitnang Luzon dulot ng hanging habagat.
Huling namataan ang bagyong Butchoy sa layong 415 kilometro kanluran -hilagang kanluran ng Dagupan City sa Pangasinan.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugsong aabot naman sa 80 kilometro bawat oras.
Kumikilos ito pa-kanluran, hilagang kalunran sa bilis na 20 kilometro bawat oras.
Wala naman nang nakataas na babala ng bagyo sa alinmang panig ng bansa.