Patuloy na magpapaulan ang Tropical Depression “Butchoy” sa ilang lugar sa Central Luzon at sa nalalabing bahagi ng Luzon.
Ayon sa PAGASA, huling namataan ang sentro ng Bagyong “Butchoy” kaninang alas-4 ng umaga sa bahagi ng San Felipe sa Zambales.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometers per hour (kph) malapit sa gitna at pagbugsong aabot naman sa 75 kph.
Kumikilos ito pa-kanluran, hilagang-kanluran sa bilis na 15 kph.
Dahil dito, nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) No. 1 sa mga sumusunod na lugar:
• Pangasinan
• Zambales
• Bataan
• Tarlac
• Pampanga
• Nueva Ecija
• Bulacan.
Samantala, inaasahan namang makalalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Bagyong “Butchoy” bukas ng umaga.