Nasa loob na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong may international name na “Nepartak”.
Ito ang ipinabatid ni Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) weather forecaster Jun Galang.
Tinawag itong ‘Butchoy’ na ikalawa nang bagyong pumasok sa bansa ngayong taon.
Nitong tanghali lang ay nagpalabas ang PAGASA ng severe weather bulletin kasabay nang pag-akyat ng bagyong Nepartak sa typhoon category o malakas na bagyo.
Ayon sa PAGASA, pumapalo na sa 120 kilometro kada oras ang pinakamalakas na hanging taglay ng bagyo.
Kumikilos pa rin ang bagyo pa-hilagang kanluran sa bilis na 30 kilometro kada oras.
Nag-abiso ang PAGASA sa inaasahang matinding buhos ng ulan sa loob ng 300 kilometrong diameter ng bagyong ito.
Photo: panahontv