Patuloy paring minomonitor ng PAGASA ang lagay ng Bagyong Caloy na nasa loob parin ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Ayon kay PAGASA weather specialist Bennison Estareja, huling namataan ang Tropical Depression Caloy sa layong 430 kilometers kanlurang bahagi ng Iba, Zambales.
Bahagyang lumakas ang bagyo na may lakas ng hanging aabot sa 55 km/h malapit sa sentro nito at pagbugso ng hanging aabot sa 70 km/h.
Sinabi ng PAGASA na mabagal parin ang pagkilos ng Bagyong Caloy pakanlurang bahagi ng Luzon.
Samantala, isa pang Low Pressure Area (LPA) ang namataan ng pagasa alas-10 kagabi na nasa loob din ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Huling namataan ang LPA sa layong 915 kilometers silangang bahagi ng Casiguran, Aurora pero mababa ang tiyansa na maging bagyo sa loob ng 24 na oras.
Sa ngayon, patuloy paring binabantayan ng PAGASA ang sitwasyon ng bagyo at LPA dahil malapit ito sa North Philippine Sea kung saan, posible itong maging tensify o tumindi sa darating na Biyernes o susunod na Linggo.